Misyon
Sinuot ni Jerome ang asul niyang damit at lumang maong. Tumungo siya sa parke gaya ng nakasanayan — makikipagkita siya sa kaniyang nobya. Madilim ngunit maliwanag ang buwan. Malalim na rin ang gabi ngunit hindi ito hadlang — matagal na siyang bulag.
"Zia, ano bang problema mo? Sa tayo?" Panimulang bungad niya't pinipigilang tumulo ang luha.
"Walang problema sa 'yo, sa akin, meron." walang buhay na tugon ni Zia habang pareho silang nakaupo sa upuan.
"Hindi naman ako nagloko sa 'yo, 'di ba? Ikaw lang din ang tanging tumanggap sa akin nang buo." Sa pagkakataong ito'y umiyak na si Jerome
"Patawad kung ngayon ko lang ito sasabihin—"
"Ang ano? Na may mahal ka ng iba? Dahil bulag ako?" Pangunguna niya.
"Hawakan mo itong kamay ko." Tugon ni Zia.
"Ramdam mo ba ang lamig?" dagdag pa niya.
"Hindi naman talaga kita minahal. Tapos na ang misyon ko sa mundo, napatay ko na rin ang tatay mo sa wakas. At saka...
ang iniibig mo'y tatlong taon ng patay, Jerome."
...
Young Pilipinas Flash Fiction
Comments