Minsan sa Isang Taon
Tila isang panaginip ang magising na may kulang,
prisensiyang hinahanap sa namayapang magulang,
bigat ng dibdib sa mga luha'y nalulunod,
hindi masagip sa kalungkuta'y nagpaanod.
Taon din ang lumipas bago tuluyang nahanap,
hindi sa iba kundi sarili ang pagtanggap,
ang kapayapaan ng puso—pagpapalaya,
sa Dakilang Lumikha lahat pinaubaya.
Hindi man tulad nang dati na yakap at halik,
mahal sa buhay salubong sa pananabik,
ngayo'y palagian silang binibisita,
sa puntod ng mahal nang nangungulilang sobra.
Kandila na simbolo ng liwanag sa daang tatahakin,
pag-alala sa yumao kailan ma'y 'di lilimutin,
paglalaanan ng pawis, oras at saka panahon,
babalik-balikan at alalahanin pinagsaluhang taon.
Comentarios