top of page

Minamahal na Maestra

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Minamahal na Maestra A poem about teacher’s day
A poem about teacher’s day

Sila — na nagsisilbing tulay para sa ating pangarap‚

ang nagtutulak‚ ang nangungumbinsi para tayo’y magsumikap.

Nagsosobra man sa pagiging strikto ngunit sa pagtuturo ay hindi nagkukulang‚

sila ang bayani‚ ang gabay at pangalawang magulang.


Madalas silang mag-utos na ilabas ang panulat at kwaderno‚

at kung pasusulatin ng mahaba‚ tayo’y nagrereklamo‚

ngunit ito pala’y pundasyon ng pag-ipon sa kaalaman‚

kahit nalilimutan natin na sila’y pasalamatan.


Lagi man tayong naiinis kapag may pagsusulit na mahaba‚

o kahit sa aktibidad at proyektong pinapagawa‚

ating isipin na ito’y sakop ng buhay bilang estudyante‚

sa pagpapaunlad ng katauhan‚ ito’y ating haligi.


Minsan man ay mapapansin na sila’y namamaos‚

pero asahan pa rin na magtuturo nang maayos.

Kaya marapat lamang bigyan ng paggalang at respeto‚

’pagkat sila ang dahilan ng malawak na pagkatuto.


Mas higit ang binibigay na oras sa atin kaysa sa sariling pamilya‚

sa madilim nating kinabukasan‚ sila ang naging bombilya.

Kaya huwag kalimutang pasalamatan at bigyang pagkilala‚

ang ating mga guro — ang minamahal na maestra.

1 comment

Related Posts

See All

1 Comment


RhonOnWheels Vlog
RhonOnWheels Vlog
Mar 21, 2024

😇😇

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page