Mga Tula Ni Pepe
Mga sikat na tula noon ay nakakamangha,
Ang mga mambabasa ay tila mapapaluha.
Sa husay ng manunulat sa paglikha,
Ng mga orihinal na akda.
Si Jose Rizal ay isang makata't manunulat,
Nagmula sa bansang sinakop ng Español, ang Pilipinas.
Mga katha niya ay malalim kung babasahin at uunawain,
Tulad ng pagmamahal niya sa kapwa at wikang Filipino.
A la juventud filipina ang isa sa sikat niyang katha,
Kinapapalooban ng kaniyang tiwala sa mga kabataang Pilipino,
Ng kaniyang pagmamalaki sa mga kakayahan ng kabataan,
Na sila ang magsisilbing pag-asa ng bayan.
Sa aking mga kabata,
Kathang tula ni Rizal na nagpapakita ng pagkanasyonalismo,
Na binigyang kahalagahan ang katutubong wika ng Pilipino,
At pagmamahal para sa sumisimbolo ng pagkakakilanlan.
Waring pangkaraniwan ang mga akda ni Pepe,
Subalit mga tula niya'y naglalaman ng liwanag,
Para ang mga kababayan ay tuluyang maawala,,
Sa sakit ng lipunan sa nakaraan.
...
Young Pilipinas Poetry
ความคิดเห็น