top of page
Writer's pictureColin Cris Celestial

Mga Isang Daan



Mga Isang Daan - A flash fiction depicting the importance of education. Written by Colin Cris Celestial

Ako si Jennifer, isang education student. Ang nanay ko ay isang housewife at ang tatay ko naman ay isang construction worker. Aminadong kami'y dukha pero hindi ko ito kinakahiya. Maliban dito, proud na proud ako sa mga magulang kong hindi man nakapag-aral pero nagsisikap na paaralin ako.

Isang hapon, naging maaga ang labasan ng mga estudyante sa aming paaralan. Alam kong nasa construction site pa rin ang aking tatay at nagbalak akong puntahan siya para sabay na kami umuwi sa bahay. Eksaktong pagkadaan ko sa nasabing lugar ay ang oras na mag-aabot na ng pera ang nagpapasweldo sa aking tatay.


Sa loob ko'y tuwang-tuwa ako sapagkat may masarap na ulam atang maihahain sa aming hapag. Ngunit ang galak na iyon ay nawala nang makita ang 'di inaasahang pangyayari.

"Oh eto, 500 pesos mong sweldo," saad ng lalaking malawak ang ngiti matapos mag-abot ng limang 50 pesos sa nakabukang palad ng aking tatay.


At tuluyang nanghina ang aking tuhod nang makitang binilang ni tatay ang pera habang ang tawag niya sa 50 pesos ay "Isang daan"


...

Mga Isang Daan - A flash fiction depicting the importance of education. Written by Colin Cris Celestial

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page