top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Matulungin


Matulungin, a flash fiction about a helpful mother
Matulungin, a flash fiction about a helpful mother

Limang taon ka pa lamang at gutom na gutom kang kumuha ng Hansel na ang pleybor ay tsokolate sa inyong tindahan. Kasunod nito ay ang pagngatngat mo sa balat ng Hansel ngunit anong lupit sa 'yo ng kapalaran 'pagkat naglaway ka na’t lahat, hindi mo pa rin ito magawang buksan.

Umiyak ka na nang malakas at narinig ito ng iyong ina na katatapos lamang sa paglaba. Pinunas nito ang basang kamay sa kaniyang damit.

"Bea, bakit ka umiiyak?" tanong niya sabay lahad mo sa hawak na Hansel.

Kinuha niya ito at sinubukang buksan ngunit nang simulang ngatngatin ay natanggal lamang ang pustiso niya.

"Anak, 'di ko rin mabuksan, tutulungan na lang kita umiyak."


...

Young Pilipinas Flash Fiction

1 comment

1 Comment


Unknown member
Aug 12, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page