top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Matibay Koneksyon sa Komunikasyon


Matibay na Koneksyon sa Komunikasyon

Sa ating emosyon‚ ito’y matibay na medisina‚

kapag tayo’y umiibig‚ nagagalit o masaya‚

sa tulong ng pagsulat o indak ng ating dila‚

naipapahayag nang malinaw ang nakatagong diwa.


Ito’y materyales nang tayo’y maging malaya‚

upang ilantad ang ideya‚ kultura’t paniniwala‚

sumulat‚ magsalita o igalaw ang katawan‚

sa kilos ng kamay‚ maging may kapansanan ay mauunawaan.

Sa globalisasyon‚ ito rin ang instrumento‚

magkaiba man ang lahi ay nagiging organisado‚

sa tulong ng teknolohiya’y ang lahat ay madali‚

sa kalakalan‚ politika’t ekonomiya‚ ito ang susi.


Komunikasyo’y mahalaga sa bawat indibidwal‚

kaya’t ang nasa dibdib mo ay iyong iluwal‚

ito ang tulay‚ ang lubid at mabisang daan‚

upang ang bawat isa ay maintindihan.


Ihayag mo ang lahat ng iyong saloobin‚

nang ang diwa natin ay maging buo‚

malaya kang ilabas ang nais sabihin‚

‘pagkat sa komunikasyon‚ tayo’y konektado.


...

Poem Title: Matibay na Koneksyon sa Komunikasyon

Written by Nerelyn Fabro

0 comments

Yorumlar


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page