top of page

Matanglawin - Ang tula sa sining ng mundo

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Matanglawin - Ang tula sa sining ng mundo Nerelyn Fabro

Kung ang talas ng mata’y katulad sa lawin‚

ang lalim ng mundo’y magagawang sisirin.

Ang yaman na tinatago ay maibubunyag‚

kung gaano kaganda‚ kalinis at katatag.


May luntiang damo na naglalaro sa hangin‚

na ating hinihigaan tuwing tayo’y aantukin.

Kapag ang puno’y tumaas at nagkaroon ng bunga‚

nariyan ang mga bata na naglalambitin sa sanga.


Kung tayo’y walang ulam‚ ang pangawil ay ihanda‚

sa malinis na ilog‚ may kukunan na isda.

At kung naiinitan sa temperatura ng panahon‚

hubarin ang damit‚ sa tubig ay tumalon.


Mga hayop ay namamalagi sa pusod ng kagubatan‚

iba’t iba ang uri‚ may kaniya-kaniyang katangian‚

ngunit huwag huhulihin ‘pagkat tulad din sila sa atin‚

may buhay‚ may isip at mayroong damdamin.


Kaya’t ating pangalagaan ang katawan ng kalikasan‚

ating pagyabungin‚ palaging ingatan.

Ang sining ng mundo’y gawing mas makulay‚

upang lahat ng nilalang ay masayang mamumuhay.


Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page