top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Marupok


A sad love poem about loving a person who can't love you back
A sad love poem about loving a person who can't love you back

Tunay ngang kapag umibig ay labis pa sa wagas,

siglo man ang magdaan hindi naaagnas,

pagkatamis-tamis, binibisita ng langgam,

gagawin ang lahat kahit hindi "niya" ramdam.


Kapag pinana ni kupido ang patay mong dibdib,

tiyak na mabubuhay — nagngangalang "pag-ibig",

daigdig man ang kalaban ay pipiliting hamakin,

pagmamahal mong laan ay huwag lamang sayangin.


Ngunit kapag ikaw ay minalas at ang minahal ay marupok,

ang pag-ibig mong handog, sa kaniya'y alikabok,

tila lumang kahoy ang sa iyo'y kaniyang pagsinta,

kapag tumagal ang relasyo'y, siya'y magiging abo na.


Buksan mo ang hawla, kalapati'y lilipad,

tulad niyang pinalaya, umalis agad-agad,

ni hindi ka pinaglaban ngunit ikaw ay kinalaban,

wari'y pag-ibig mo'y isang kaaway na dapat niyang iwasan.


Kahit ikaw pa ay makata at mahusay sa tula,

kahit malalim na Filipino pa ang gamitin mong salita,

tinta mo mo man ay luha, 'di na siya magbabalik,

masusugatan ka lamang ng alaala at lason niyang halik.


Siya'y tulad ng tauhan sa akda ng manunulat,

kung siya nga ay marupok, "marupok" din ang pamagat,

sumikat ang tula sa Pilipinas na sinilangan,

Jose Corazon de Jesus ang natatangi niyang ngalan,


Kung gano'n nga siya karupok huwag mo ng habulin,

kung iniwan ka man niya'y huwag ng pakaisipin,

ikaw lamang ang masasaktan at sa sakit ay alipin,

kalimutan mo na siya, dito ka na lamang sa akin.


...

Young Pilipinas Poetry

1 comment

1 comentario


Miembro desconocido
19 oct 2021

💛💛💛

Me gusta

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page