Mangingisda
Pangingisda ang kabuhayan ni Anton at patuloy na nagsusumikap sa buhay para sa kaisa-isa niyang anak na si Gerald. Ngunit iligal ang pamamaraan niya, sapagkat gumagamit ito ng dinamita.
Lunes. Nagsimula na siyang maglayag upang mangisda at may makain sila ng kaniyang anak na nasa paaralan pa.
Inihagis na niya ang dinamita upang maaga na siyang makauwi. Sa pagsabog pa lamang nito ay lumapit ang swerte 'pagkat maraming isda ang lumutang. Ngunit may napasama atang kakaiba.
Nagkulay dugo ang tubig at bigla siyang napaluha.
"Gerald?!" Bulyaw niya nang makitang lumulutang sa dagat ang kaniyang anak na may saksak sa dibdib.
-- a flash fiction by Nerelyn Fabro
Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!
コメント