top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Mananakbo


Mananakbo - Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Flash Fiction)
Mananakbo - Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Flash Fiction)

Halatang paborito ni sir Juan si Pedro sapagkat lagi itong inilalaban sa larangan ng pagtakbo sa eskwelahan. Ngunit hindi ko maiwasang mainggit at magalit sapagkat ako naman ang mas mabilis kaysa sa kaniya.


"Nasaan na ang paborito kong manlalaro? Mag-eensayo na kami." Nakangiting saad sa akin ni sir ngunit agad din itong napakunot-noo nang sabihin kong hindi ko alam kung nasaan si Pedro.


"Nasaan na si Pedro? Bakit wala pa rin?" Rinig kong saad ni sir sa loob ng classroom habang ako naman ay hindi na mapakali.


Hapon noon, tumatagaktak na ang pawis ko habang tumatakbo nang mabilis patungong likod ng classroom upang isilid sa sako ang sinaksak kong si Pedro dahil sa inggit.


"Bahala na, wala naman sigurong nakakita."

1 comment

1 commentaire


Membre inconnu
27 juin 2021

💛💛💛

J'aime

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page