Malapit Na
Nang maupo ako sa silya ay tuluyang kumalam ang aking sikmura nang makita ko ang mga paborito kong pagkaing nakahanay sa lamesa. Nagningning ang aking mga mata at nanginig agad ang aking kalamnan nang magsimula akong kumain. Walang patid ang pagsubo ko sa mga liempo, chicken, lechon, at mga isda o iba pang pagkain na galing sa lamang dagat.
Tila ngayong araw ay Pasko 'di lang dahil dito sa mga pagkaing ninanamnam ko kundi dahil narin sa lamig na ramdam na ramdam ng aking katawan. Pansin ko rin ang titig ng ibang tao sa akin kaya naging mapait na ang aking panlasa sa kinakain. Tama na, busog na ako.
"Tapos na ako." Pag-imporma ko sa kanila.
Hinawakan nila ang aking kamay sabay pina-upo sa bagong upuan.
"Malayo pa ang Pasko pero malapit na ang pagtatapos..." Ang huli kong sambit sa hangin bago ako mawalan ng malay sa huling inupuan ako.
Ang silya elektrika.
...
Young Pilipinas Flash Fiction
Commenti