top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Makulay na Mundo


Young Pilipinas - A poem about the essence of true happiness
A poem about the essence of true happiness

Mahirap hanapin ang kasiyahang tila ikinukubli ng langit,

sa mundong mas mahalaga ang estado ng pamumuhay at yaman kaysa sa pag-ibig,

tila isang maskarang huwad ang ipinakikitang ngiti,

tumatawa subalit sa kaloob-loban ay nababalot na ng hapdi.

Hindi ba't kay sarap sa pakiramdam ang purong ligaya na walang bahid ng pait?

Magaan sa puso— pagtingin sa mundo'y walang pasakit,

hindi iisipin kung paano malalagpasan ang suliraning bumabalakid,

tanging pagmamahalan at positibong disposisyon ang hatid.


Bagay na dapat alalahanin ng 'sang katauhan,

na ang tunay na kasiyahan ay hindi mapapalitan ng ano mang yaman,

at ang dulot nito sa pang-araw-araw at sa ating kalooban,

hindi mahihigitan ng ganda at kasikatan ang tunay na kaginhawaan.


Ang masayang puso ay masayang buhay,

malamlam na mundo'y nabibigyang kulay,

pagpapaalala na sa kalungkutan, tawa ang siyang saklay,

pagtanggap at pagyakap sa katotohanan ang tanging gabay.

0 comments

Related Posts

See All

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page