top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Makabagong Bayani sa Ibayong Dagat


A poem about OFW's love and sacrifices
A poem about OFW's love and sacrifices

Dagat ang pagitan

Pangungulila ang kalaban

Tinitiis ang kalungkutan.

Ibang lahi ang pinagsisilbihan,

Bagay na sana'y mga anak ang nakikinabang.


Para sa pamilya piniling magpakalayo

Panandaliang lilisan—mag-isang tatayo.

Magtitiis sa hirap tatatagan ang puso,

Para sa matrikula at pangarap ni bunso

Baon ay halik at binitawang pangako.


Para sa pantubos sa lupang nakasanla

Magdodoble-kayod kahit katawa'y mapinsala.

Labag man sa batas pagiging elegal na dayuhan,

Kakapit sa patalim para sa kinabukasan

Tatakbo at magtatago kung kinakailangan.


Makabagong bayani sa ibayong dagat

Nakikidigma sa panganib tinitiis ang lahat

Nagkukulong sa pagod upang makalaya sa salat.

Para sa magandang buhay pinatay muna ang hiya,

Alipin ng banyaga turista sa sariling bansa.


...

A Young Pilipinas Poetry

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page