top of page

Mahal Kita Araw-Araw Palagi

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Young Pilipinas Poem - A valentine special poem
A valentine special poem

Sa isip ko'y yakap-yakap kita,

pagitan man natin ay milya-milya ang distansiya,

umaasa na balang araw maiibsan ang pangungulila,

muli kang mayayakap at matititigan ang maamo mong mukha.


Titiisin ang lahat ng sakit at paghihirap,

wala mang kasiguraduhan ang bukas at sa hinaharap,

maniniwala ako sa pag-ibig na kapuwa nating nalalasap,

panghahawakan ang mga pangakong sabay nating ibinulong sa mga ulap.


Pasasaan pa't muli akong ibabalik ng eroplano sa'yong piling,

bitbit ang ilang taong pinag-ipunang pasalubong at hindi nagmaliw na pagtingin,

halik ang isasalubong sa mga luhang ikinukubli ng ngiti,

wala kang ibang maririnig kundi ang mahal kita, mula noon, araw-araw at palagi.


Matatapos na ang sampong taong sa ibang bansa'y namalagi,

handa ko nang isuot ang simbulo ng aking pag-ibig sa'yong daliri,

tanging tanong ko lang sa'yo sa aking pag-uwi — “ sa akin ba ay handa ka nang magpatali?”

Pangakong sa maraming pang mga taon ay ikaw lang at panghabang buhay mo akong pagmamay-ari

0 comments

Related Posts

See All

Commentaires


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page