Magpagibik at Mangunyapit sa Kaniya
Habang pinagmamasdan ang karikitan ng kapaligiran,
Galak ang namutawi sa 'king katauhan,
Napatitig ako sa Kaniyang hindi makitang kapangyarihan,
Nagpapasalamat sa dala nitong lakas at kaginhawahan,
Magmula nang mawala ako sa lupang kinasanayan, ang lupa ng sangkatauhan,
Hindi ako nagsisising hinugot Niya ako sa dati kong katayuan.
Namayani ang sandaling katahimikang puspós ng katanungan,
Sisimulan ng isipan maglakbay sa daang pangnakaraan,
May mga nakatarak na karayom at tubo sa 'king isang-ubo nalang na katawan,
Idinagdag ang iba't ibang likidong lunas sa walang pag-asa kong kalagayan,
Lubog na ang sariling nakaratay sa magayót na higaan,
Hinihintay ang presensiya ng nasa kaita-itaasan.
Mahagwáy niyang pigura'y malayang napagmasdan,
Pánunubos niya sa aking kaluluwa ay sa akin nagpagaan,
Tuluyang nawaglit ang paghihirap na aking dinanas sa kalupaan,
Nagpailanlang kami sa makabagong buhay niyang kaharian,
Mamàd na ang nawalang buhay na katawan na tuluyan ko ng iniwan,
Ang esperma'y dinalitan magmula nang mamahimakas para sa katapusan.
Comentarios