top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Mabuting Samaritano


Mabuting Samaritano - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)
Mabuting Samaritano - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)

Maling kinastigo gusgusing alipin,

niyurakang dangal na mapagtiisin,

durong alipusta baon sa damdamin,

paratang ng huwad siya'y 'dinidiin.


Dukha'y itinakwil huwad na kastilyo,

lugmok na dalita luhaang humayo,

pagsubok ng buhay siya'y binabayo,

wala s'yang karamay sa tumahang siphayo.


Daang binabagtas ng paang sugatan,

'sang botelyang tubig tangi niyang tangan,

musmos na suminsay lum'hod sa harapan,

pamatid gutom lang tanging kahilingan.


'Di nagdal'wang isip botelya'y 'ginawad,

tubig lang 'to anak nawa'y mapatawad,

busilak na puso dyamanteng 'di huwad,

wala sa estado pagiging mapalad.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page