Maaga Pa
Labing dalawang taong gulang palang ako,
nang ang landas na tinatahak ko'y biglang lumiko,
sinubukan ko ang paninigarilyo't pagwawalwal,
at tuluyang nagbago ang aking asal.
Imbes na trabaho, pinangarap ko'y isang nobyo,
at nakilala kita na may edad na disi-otso,
ngunit hindi nalalayo sa inaasahang mangyari,
pagkat nagkatotoong puso ko'y iyo nang pagmamay-ari
Mapanghusgang mundo'y sumalakay,
sa pagmamahalan nating tunay,
marahil hindi nila naiintindihan na kahit maaga pa,
pwede na tayong makaramdam ng pagmamahal sa isa't isa.
Pangakong pagmamahal ang inasahang marinig,
sa kalagitnaan nang mainit nating pagniniig,
at naniwala akong paninindigan mo 'ko sa darating na bukang-liwayway,
hanggang sa marating natin ang rurok nang sabay.
Tunay pala ang sinasabi ng mga matatanda,
ang isang batang tulad ko ay hindi pa handa,
naiwan akong wasak at luhaan, nagsisisi sa naging desisyon ko sa buhay,
pagkat iniwan ako ng aking nobyo nang sa'king sinapupuna'y may nabuhay.
Comments