top of page

Luha ng Kasiyahan

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Luha ng Kasiyahan
A poem about life in time of failure

Halika sa akin ako ay pakinggan,

sa bawat salitang may aral 'bubulgar,

limii't namnamin hiwaga ng buhay,

nang gayo'y sa dunong 'di uhaw.


Kaysarap na damhin sa puso ang galak,

pasanin ay hindi palaging may gayak,

manahan sa tuwa 'di laging sa lusak,

kung bigo't mabigat sige at iiyak.


Piliin ang ilaw na laging makulay,

kung dagtum tatagpo't suminsay,

may lakas bumangon 'di takot lumaban,

pundasyon na tibay, pag-ibig dadatal.


Sarili'y unahin at hindi ang pusok,

at kapag tagumpay nakamit naabot,

ang luha ay tuwang tutulo't aagos,

matatag, haharap sa lakas ng unos.

Related Posts

See All

Коментарі


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page