top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Love of my Life - Ang tula ng paghiling


Love of my Life - Ang tula ng paghiling Nerelyn Fabro

At kung titignan mo ang bahagi ng puso ko‚

napupuno ito ng mga alaala patungkol sa iyo.

At kung sisilipin mo ang nilalaman ng isip ko‚

ikaw pa rin ang bumubuo sa mga espasyo.


Nangungulila ako sa mga kahapon na kasama kita‚

sa mga palad mong dumarampi sa aking mukha

na tila ba niyebe sa lamig at parang bulak sa lambot‚

kaya sabihin mo sa akin kung paano kita malilimot?


Naaalala ko kung paano ka tumingin sa akin‚

ang kislap ng ‘yong mata‚ napupuno ng bituin

na kung tayo’y magkakatitigan‚ ako ay natutunaw‚

at ang mga agam-agam ko’y nabibigyan ng linaw.


Kaya kapag sumisilip ako sa bintana‚ umaasa ako na naroon ka‚

ang pananabik ko’y hindi mawala dahil hanap-hanap ka.

Sana isa na lamang panaginip ang lahat ng ito‚

ang hiling ko lang naman ay ang pagbalik mo.


Mananatili ako rito sa paborito nating tagpuan‚

kahit magtamo ako ng mga sugat o labis na masasaktan‚

maghihintay ako‚ hahanapin ko ang ‘yong presensya‚

Kaya bumalik ka... babalik ka pa ba? 

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page