top of page

Love Letter

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

A romantic comedy flash fiction
A romantic comedy flash fiction

Tatlong bahay lamang ang pagitan namin ni Rex — ang aking crush. Aminado naman akong napakaguwapo niya at sa lakas ng karisma, ang mga bakla ay nagkakagusto rin kaya marami akong kaagaw. Nakakainis.

Ngunit nawala ang pagkabahala ko nang maramdaman kong parang crush niya rin ako. Isang araw kasi, panay ang sulyap niya sa bintana ng aming bahay. Parang hinahanap niya ang aking presensya — ano ba 'yan nakakakilig tuloy.

"Uy, Roxanne!" nagulat ako nang tinawag niya ang aking pangalan dahilan para mahiya-hiya akong lumabas ng bahay nang wala pang kasuklay-suklay ang aking buhok.


"Sa wakas, naabutan din kita!" masigla niyang wika na nagpatibok ng puso ko.

Limang dipa na lamang ang distansya namin at palapit na kami nang palapit sa isa't isa. Napansin ko pang may hawak siyang isang papel. 'Love letter' ba 'yon para sa akin? Naks! Pakiramdam ko tuloy, nasa wattpad kami!


"May ibibigay ako sa 'yo," ang sabi niya pa. Parang naging 'blurred' ang paligid at tanging kaming dalawa lamang ang tao.


Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti at kiligin. Aamin na nga siguro siya sa akin. Magkakaboyfriend na ako!


"Hoy, babae. Gumising ka!" kinaway-kaway niya ang kamay niya sa muka kong nakatulala na pala.

"Oh, ito, nong isang araw ko pa dapat ibibigay. Bill ninyo 'yan sa kuryente."


...

Young Pilipinas Flash Fiction

1 comment

1件のコメント


不明なメンバー
2022年3月01日

💛

いいね!

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page