top of page

Love Conquers All

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Young Pilipinas Flash Fiction - Love Conquers All written by Ronjo Cayetano

Sampung taon na rin ang lumipas mula nang ikasal sina Jay at Kath. Hindi maitatanggi kung paano nila napanatili ang tamis ng kanilang pagmamahalan. Bagaman hindi sila nabiyayan ng anak, hindi ito naka apekto sa kanilang pagsasama.

Subalit sa buhay mag-asawa, hindi nawawala ang mga problema at daguk sa buhay. Nagkaroon ng brain anueresm si Kath. Hanggang sa magkanda baon-baon na sila sa utang. Maging ang pinaka-itinuturing nilang mahahalagang tao ay lumayo na rin.

Lumipas ang halos siyam na buwan ay hindi pa rin nagigising si Kath.


Isang araw, humahangos si Jay sa lobby ng hospital. Hindi niya alam ang dahilan pero iba ang kutob niya.


“B-Bakit ninyo inaalis ang aparatu sa paghinga ng aking asawa? A-Anong nangyari sa kaniya?” Lumuluhang nakatingin si Jay sa dalawang nurse.


“Sorry po sir, per...” naputol na sagot ng nurse.

“A-Anong pero? Sumagot kayo!”


“Love, ikaw na ba ‘yan?”

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page