Likaw na Bituka
Sanggang-dikit hindi mapaghiwalay; kambal sa unan, laging umaalalay. Ganiyan ang samahan ng kambal na sina JC at JV.
"JC, halika papasyal tayo roon sa paborito nating lugar," aya ni JV sa kaniyang kapatid.
Habang naglalakad ay akay-akay ni JV ang bulag na kakambal patungo sa talampas, ang lugar kung saan madalas sila nagpipiknik ng buong pamilya.
"JC, narito na tayo. Ang ganda ng tanawin at sariwa pa ang hangin. Naaalala ko pa nang mga bata pa tayo, madalas ako pinapagalitan nina mama at papa kapag iniiwan kita rito," natatawang pagmumuni-muni ni JV ng kanilang pagkabata.
"Oo nga eh, pero JV salamat sa 'yo ha, lagi mo pa rin ako inaalalayan kahit na matatanda na tayo. Pasensya ka na rin naging kargo mo pa ako," wika ni JC sa kaniyang kakambal.
"Wala 'yon, kambal tayo 'di ba?" sagot nito.
"JC, huwag mo akong iiwan ha, gusto ko hanggang pagtanda natin ganito pa rin tayo," sambit ni JC sa kaniyang kakambal na puno ng pagmamahal.
"Oo naman, nandito lang ako, hindi kita iiwan—pangako," sagot ni JV habang tinitibag ang lupang kinatatayuan nito.
Comments