top of page

Likas Sa Pinoy

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Likas sa Pinoy A poem about the fighting spirit of Pinoy
A poem about the fighting spirit of Pinoy

Kung yaring hamon ng buhay ay salantahin ang Pinoy,

walang hindi kakayanin dalawin man ng panaghoy.

Pagkamasayahing likas ay hindi itinataboy,

pinanghahawakang tatag patuloy na sumusuloy.


Kalamidad man ay dumaan muli't muling bumabangon,

hindi mananahan ang lungkot—iiwanan sa kahapon.

Sa hinaharap ay bibit ang pag-asang nilalayon,

tuloy lamang sa paghinga, kakapit sa Panginoon.


Ibinuburda ng labi ang ngiti ng katibayan,

nababakas man ang sakit at peklat ng kalungkutan,

hinding-hindi patitinag ang pusong may kasiyahan,

ngayon man ay mayro'ng unos aaraw kinabukasan.


Pinanghahawakang inam ang bokasyon sa sarili,

walang hindi kakayanin sa pamilyang iniibig.

Mamaluktok man sa kumot, tagumpay ri'y hahalili,

ganiyan ang mga Pinoy masiyahin—kapit-bisig.

...

Likas Sa Pinoy by Ronjo Cayetano

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page