top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Lihim na Tagpuan


Lihim na Tagpuan - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Flash Fiction)
Lihim na Tagpuan - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Flash Fiction)

Madalas akong tumakas sa aming bahay para makipagtagpo sa aking kasintahan.


Mahal na mahal ko siya kaya gagawin ko ang lahat upang magkasama lamang kami.


Isang gabi'y kinausap niya ako.


"Kung mahal mo talaga ako. Bukas, alas-dyes ng gabi bumalik ka rito sa ating tagpuan."


Maaga akong gumayak at tinungo ang lugar na aming napag-usapan. Pasado alas-dyes na nang marating ko ang aming tagpuan. Namangha ako sa aking nakita. Napakaganda niya sa suot niyang puting bistida.


"Mahal halika sundan mo ako. Halika," pagyaya niya sa akin papunta sa hangganan ng tulay habang nababalutan ng usok at lumulutang sa hangin.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page