top of page

Ligtas ka Sa’kin

Writer: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Ligtas ka Sa’kin Inkspired poem by Nerelyn Fabro

Ako ang hangin na hahaplos sa’yong lungkot‚

Ang mainit na yakap sa madilim mong takot‚

Ako ang buwan sa napupundi mong liwanag‚

At ang medisina sa tuwing hindi ka panatag.


Ang aking mga mata’y isang mapa ng kasiguraduhan

Na kapag nagdududa ka’y maaari itong tignan‚

Hindi ka maliligaw kung ano nga bang tingin ko sa iyo‚

‘Pagkat hindi ka lang isang bansa‚ ikaw ang buong mundo ko.


Ako ang bayaning handa kang iligtas‚

Hahamakin ang lahat‚ huwag ka lamang sa’kin kumalas.

Ako ang matapang mong kakampi sa gulo ng daan

Kaya walang dahilan upang ikaw ay may katakutan.


At kung ang tadhana nati’y tila walang patutunguhan‚

Pag-ibig natin ang magbibigay ng katiyakan.

Sumalungat man ang agos ng kapalaran‚

Mahigpit kitang yayakapin sa lahat ng laban.


Hindi mo kailangan harapin ang daigdig nang mag-isa,

Hawakan mo ang kamay ko at ipikit lamang ang mata‚

Patatahanin kita sakaling dapuan ng kalungkutan‚

‘Pagkat ako ang kasama mo na handang maging tahanan.

Comentarios


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page