top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Lampin



S'yam na b'wang sanggol sa 'king sinapupunan,

Minahal, inalagaan— iningatan,

Karugtong na pusod, buhay at katawan,

Pagsilang mo'y puspos kong kaligayahan.


Pagtangis sa kalagitnaan ng gabi,

Musikang gumigising sa aking tabi,

Alaalang sa aki'y nagpapahikbi,

Anak! bumangon ka buksan iyong labi.


Anak bakit mo ako agad iniwan?

Paglaki mo'y hindi man lang nasaksihan,

Pangungulila'y punong-puno ng hapdi,

Tanging lampin karamay sa dalamhati.


Ngayon ay anghel ka na sa kalangitan,

Pangako ko'y mamahalin kang palagi,

Wala ka man at hindi na matanganan,

Sa puso ko 'nak ika'y mananatili.


--By Ronjo Cayetano

Ronjo Cayetano, 25 years old, from the province of Oriental Mindoro. He started writing poems when he was paralyzed and considers this hobby as a medication for his soul; to overcome depression.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page