Labis ay Kulang, Kulang ay Labis
Ang labis na pagmamahal ay kulang pa sa 'di makontento,
ang labis na salapi ay kulang na kulang pa sa mga gahamang tao,
ang labis na materyal ay 'di pa kayang pasayahin ang taong bagay lang ang gusto,
at ang labis na pagkain ay hanggang lalamunan lang ng kulang sa trabaho.
Kulang na pagmamahal ay labis na sa isang martyr,
Kulang na salapi't tulong ay labis na sa ibang kapos palad,
kulang na kita't materyal ay sobra na sa taong nagtatrabahong sagad,
at ang kulang na pagkain ay labis na sa isang kahit, isang tuka.
Katotohanan ang sumagi sa kaisipan ng madla,
ang labis ay kulang pa pala,
sa taong higit na pinagpala,
at sobra na ang labis sa taong 'di na naghihintay ng himala.
Comentarios