Kwarantin
Nakakulong sa rehas ng mga alaala,
nababakas sa mukha ang bawat pag-aalala.
Iniisip kung kailan ba matatapos ang lahat,
o dapat bang sabihin ko'ng huli na ang lahat?
Wala na ang dating nakasanayan,
ang ingay, gabok at trapiko ng lansangan.
Pawang lahat sila ay nagsisitago,
tila isang bulang bigla na lang nagsilaho.
Ang tanging nakikita ko na lamang ay purong puti na silid,
na naaaninag sa kisame ang dilaw na lubid.
Wala na rin ang mga nagkalat na kabataan,
tanging natira na lamang ay mga frontliner na bayani ng bayan.
Silang tagapaglitas ng sambayanan,
ngunit hindi ng isang tulad kong nagkukubli sa kadilima't kalungkutan.
Para akong isang bulag na nabibingi sa katahamikan,
sa apat na pader na pundasyon ng aking kulungan.
Pilitin ko mang imulat ang aking mga mata,
sa pagbabakasakaling darating din ang aking paglaya.
Subalit huli na ang lahat,
dahil sakit ko'y tuluyan nang kumalat.
Sa sakit na Corona Virus ay hindi ko na nagawang makaligtas,
marahil ito na nga talaga ang aking wakas.
Kaya pinili ko na lang wakasan ang lahat gamit ang isang dilaw na lubid,
dahil ito lang ang tanging alam kong paraan, upang makalaya sa sakit na Covid.
Comments