top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Kuwento ng Hiram na Kaalaman


Kuwento ng Hiram na Kaalaman, Flash Fiction by Ronjo Cayetano

Akala ng narami napakadali lamang ng buhay ko. 'Yong tipong hindi ko na pinoproblema ang bawat activities at exams. Biniyayaan daw kasi ako ng katalinuhang inaasam-asam ng iba. Madalas tawag sa akin ng mga tao ‘genius child’, mayroon daw kasi akong ‘photographic memory’ kaya sisiw na sa akin ang lahat.


Subalit hindi, akala lang nila 'yon. Dahil napakahirap sa akin ang i-maintain ang mga grado ko. Tsaka isang pagkakamali ko lang sira agad ako sa mga magulang ko. Napakataas ng ‘standard’ nila at ng ‘expectations’ nila sa akin. Kaya lahat pinaghihirapan ko. Halos hindi na ako matulog para lamang matapos ang bawat aralin at masagutan nang tama ang mga ‘reviewer’ ko.


“‘Guys, tommorow’ na pala ang announcement ng ating final ranking. Doon n'yo rin malalaman kung pasado makaka-‘graduate’ ba kayo o hindi. Don't forget to bring your parents ha, lalo ka na Misty.” Saad ng aming guro.


“Congratulations na agad Misty. Sanaol!” Bati ng aking mga kaibigan.


Hindi ako mapakali, kinakabahan. Ngayong araw na kasi ang “announcement.”


Isa-isang tinawag ng aming guro ang aming mga magulang at kahulihuliang kinausap si mama.


“Miss Tatlong Hari, alam ko pong isa sa pinaka mahusay na bata itong si Misty sa aming paaralan. Pero tatapatin ko na po kayo. Hindi po siya makakagraduate. Napag-alaman po kasi naming hindi siya ang gumawa ng ‘thesis’ niya. Nakalulungkot po subalit ang kaniyang ipinasa sa amin ay gawa ng AI.”

Related Posts

See All

Comentarios


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page