top of page

Kung Para Sa’yo

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

A poem about a person who is brave to fight for love
A poem about a person who is brave to fight for love

Ramdam sa dibdib‚ tibok ay lumalakas‚

ngunit nanghihina ang tuhod‚ ang nais ay umiwas‚

iba ang kabog‚ alam kong hindi ito normal‚

bakit sa isang nilalang‚ biglang napamahal?


Ito ba ang pag-ibig? Ipapasyal ka sa mapanganib na paraiso‚

may bitbit na saya ngunit may patibong na delikado‚

hahawakan ka’t dadalhin sa mundo na kakaiba‚

ngunit may tyansa ring bitawan ka sa hapdi ng pangamba.


Ngunit kung para sa iyo, handa akong magpahulog‚

unang beses kong gigisingin ang damdaming natutulog.

Gagawin kitang kamahalan‚ sa landas mo’y susunod‚

’di na magdadala ng bangka‚ kung sa’yo lang din malulunod.


Nais kong ipagtapat sa’yo‚ sana naman ay iyong dinggin‚

sa mababaw na dahilan‚ pag-ibig ko ay lumalim.

Matagal na akong nangungulila ngunit ikaw lamang pala ang hinahanap‚

sa pagluto ng pag-ibig‚ tayo ang magiging sangkap.


Magkaiba man tayo ng mundo ngunit ang nararamdaman sana’y magtugma‚

hahalik ako sa delubyo‚ kakalabanin ang tadhana.

At kung ang ibigin ka ma’y delikado‚ ako’y magiging handa‚

kahit kahanay ka ng mga tala at ako ay tagalupa.

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page