Kumpisal Sa Kamatayang Dadatal
Pagwaglit mo sa kabutihan, dilim na kinasihan,
Lahat ng sala'y may kabayaran,
Lihim ka mang gumawa ng masama—mapagmasid ang Kalangitan,
Tanging bayad sa 'yong karumaldumal na gawi'y kamatayan.
Akuin ang kapintasa't kabuktutan—hangga't maaga'y mangumpisal,
Hindi sapat na panghugas ng karimarimarim mong dungis ang 'yong pagdadasal,
Nakasusulasok, nakapanghihilakbot ang kamatayan mong isisakdal,
Kumawala ka sa hawla ng kasamaan, magbago ka't sundin ang nais ng Kaitaasan.
Sundan mo ang yapak ng mga abáng apostol,
Lisanin ang nakasanayang mali't walang kapakinabangan—oras mo'y gahol,
Maging tapat kang tagasunod ng Kanyang mga utos—malapit na ang paghatol,
Magbatá, manalingin at dalisay na mithiin—mangumpisal ka na; habang wala ka pa sa ataul.
Commenti