top of page
  • Writer's pictureColin Cris Celestial

Kumaliwa


Kumaliwa,  flash fiction about reaching a destination
Kumaliwa, flash fiction about reaching a destination

Umagos ang aking pawis sa nangangalay kong katawan papunta sa destinasyon kung saan magwawakas ang aking pagod.


Gutom, uhaw, at pagod ang aking danas sa bawat oras na iginugugol ko sa aking huling paglalakbay bago magbukang-liwayway.


May nakasalubong akong matanda na sa suot pa lamang niya'y mukhang pinaghandaan ang pupuntahan.


Napamulagat ako nang titigan at imikan niya ako.


"Iho, Ikaw diba ang bagong katipan ni Jerlie? Doon ka rin ba pupunta sa kaniyang maagang selebrasyon ng kaniyang kaarawan? Nako, dito sa kanan ang direksyon, limang oras bago makarating doon."


At tulutang bumagsak ang aking balikat sa kaniyang lintanya.


...

Young Pilipinas Flash Fiction

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page