Kulay at Pag-asa
Ang pagkakaisa ay hindi isang kaugalian
na dapat lang gawin tuwing darating ang kapaskuhan,
ito ay isang mabuting gawi na dapat taglay ng 'sang katauhan,
walang hinihintay na panahon ng pagbibigay at pagpapatawad ang pusong hangad ang kasiyahan.
Taglayin natin at pagyabungin ang pag-ibig
na sa atin ay sumagip at bumuhay,
ipamahagi at palaganapin sa daigdig
araw-araw maghatid ng ngiti at pag-asa—magsilbi tayong kulay.
Buksan ang ating mga kamay
tanganan silang mga bulag magmistulang gabay,
iabot ang ating bisig
maging lakas para sa mga walang kakayahang tumindig.
Iisantabi ang galit
ipalaganap ang pagmamahal
ugaliing huwag makasakit
kapwa ay igalang—ipagdasal.
...
Young Pilipinas Poetry
Comments