top of page

Kulang sa pagiging kompleto

Writer: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Kulang sa pagiging kompleto inkspired by Nerelyn Fabro


Dali-dali kong sinuot ang aking sapatos at habang tinatalian ko ang buhok kahit hindi pa ako nakasusuklay‚ saglit kong nasulyapan ang masayang mukha ng magulang at mga kapatid ko.


“Happy 24th birthday‚ anak! Kompleto tayong pamilya, maupo ka muna at kumain.


Pasensya ka na at ito lang ang naihanda nam—” ang wika ni nanay na hindi ko na tinapos pakinggan dahil walang emosyon ko nang sinarhan ang pinto. Mahuhuli na kasi ako sa trabaho.


Taon-taon, pansit na lamang ang handa sa tuwing may kaarawan sa maliit naming bahay. Kaya nagtatrabaho ako nang maigi para maibigay ko sa pamilya ko ang masasarap na pagkain at magandang buhay.


“Happy 30th birthday to me.” ang maluha-luha kong bulong sa aking sarili. Nagsisisi ako. Marami nang pagkain sa mesa, malaki na rin ang bahay ngunit hindi na kami kompleto. May kaniya-kaniya na pala kaming buhay. 

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page