top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Kopya


A flash fiction that reveals something dark because of cheating
A flash fiction that reveals something dark because of cheating

Mga edad anim at pito. Grade one. Ang pagguhit at pagkulay ang isa sa pinakapaborito nilang aktibidad kaya pinagbigyan sila ng kanilang guro. Lahat sila ay abala sa mga hindi perpektong guhit ngunit makukulay at may kahulugan. Nang matapos sila‘y eksayted silang lahat na ipakita ito sa buong klase.

“Ato! Ato! Ato muna‚ ma'am!” bulol-bulol na wika ni Ashley na nais ay maunang magpresenta kaya tumungo agad ito sa unahan.

Iginuhit niya ang isang tatay na may tatlong maiikling buhok at isang anak. Sa katunayan ay karamihan sa kanila ay ganoon ang iginuhit — isang nakangiting tatay at anak sa loob ng tahanan. Kahit pa ‘stick man’ ang iginuhit ay nangangahulugang ang relasyon nila sa kanilang tatay ay maayos at masaya.


Ngunit nang dumating kay Jerome ay walang humpay silang nagtawanan. Lahat sila ay nasa kaniya ang atensyon.

“Ano ‘yan tabayo? Ah tabayo! Tabayo! Hahaha,” sabay-sabay nilang tawa at sigawan.


“Shh! Jerome‚ bakit ba kasi ganiyan ang iginuhit mo?” pagtatakang tanong ng guro at inawat ang ingay.


“E ma'am‚ kinopya ko lang naman po ito kay Samantha e‚” tugon ni Jerome.


“‘Di ko po kasi alam duduhit ko‚” dagdag pa niya.


Kinuha ng guro ang papel ni Samantha at doon ay nalinawan siya sa kinopyahan ni Jerome.


“Batet sinasakyan? Ah tabayo! Hahaha‚” muling pag-iingay ng mga bata.

“Shh!”


Sabagay‚ sinong bata nga ba ang hindi matatawa kung ang iginuhit ni Samantha ay isang kama na may tatay na nakapatong sa anak na babae — parang kabayong sinasakyan.


...

A Young Pilipinas Flash FIction

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page