top of page

Kinalawang na Kaligtasan

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

"Tak! Tak!" tanging musika sa paligid nang ulap ay umiyak,

nanatili sa kalye kasama bunsong anak,

ramdam ang gutom at ang katawan ay bagsak,

walang masisilungan, luha ko ay pumatak.


Nang tumila na ang ulan ay biglang naging masigla,

kinuha ko ang kariton, namulot ng basura,

sa malayong pamilihan, doon kami ay pumunta,

ngayo'y nakabili ng yero sa inipon na barya.


May proteksyon na sa init at ulan,

sa yerong binili, sigurado na ang kaligtasan,

'di na giginawin at sa kalye maninirahan,

sa kahit anong panahon, may laban na ang katawan.

Ngunit nang lumipas ang taon, sumugod ang bagyo,

rumupok proteksyon, kinalawang ang yero,

tila basang sisiw muli kami sa kalyeng ito,

bunso ko'y malamig na bangkay habang siya'y kandong ko.

0 comments

Related Posts

See All

Opmerkingen


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page