Kasinungalingang Asukal
Matagal na rin pala ang tagpong iyon. Isang pangyayaring puno ng pagmamahalan at nauwi pa nga sa init ng katawan. Akala ko hindi niya ako iiwan 'pagkat naniwala ako sa kaniya.
"Mama!" Sigaw ng panganay kong anak na mag-isa kong pinalaki, kauuwi lamang galing paaralan.
"Pumasok ka muna sa loob ng kwarto anak at magbihis ka na." Malumanay kong wika at bumalik na ako sa pagdungaw ko sa durungawan.
Tatlong taon na ang nakalipas ngunit ang sakit pa rin. Naalala ko pa ang sinabi niya noon...
"Paniwalaan mo ako, mahal na mahal kita, Imelda." Pangungumbinsing wika niya sa akin na may halong pagkatamis-tamis na kindat dahilan upang ngumiti ako.
"Naniniwala ako sa 'yo, papa." Saad ko habang natingin sa mata niya.
Comments