top of page

Kasama Mo Ako

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

A realism story about anxiety and depression - Young Pilipinas Flash Fiction
A realism story about anxiety and depression

Simula nang pumanaw ang pinakamamahal na ina ni Neilbryan ay naging matatakutin na siya. Madalas siyang nanginginig sa takot sandaling mawala sa kaniyang paningin ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Brylein. Hindi ito mapakali hangga't hindi nakikita ang kapatid. Tumagal din nang halos isang taon na palaging ganito ang sitwasyon ng magkapatid.


Subalit isang araw laking gulat na lamang ni Brylein nang marinig niyang nagsasaya ang kaniyang nakababatang kapatid mula sa kabilang silid. Subalit mas kinagulat niya nang may tinig na umaawit kung saan naroon si Neilbryan, “Huwag kang matakot sa hindi mo pa makita, kasama mo naman ako.”

Dahan-dahan niyang tinungo ang pinto patungo sa silid ng kaniyang nakababatang kapatid.

Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang nakita. “Diyos ko Neil! Anong ginawa mo? Bakit ka sumama sa kaniya?”

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page