Kasalanan
"Bakit ako narito? Ilayo ninyo ako rito!" Malakas kong pagsigaw sa hindi ko matukoy na lugar.
"Napakainit naman, wala bang aircon man lang?" pagrereklamo ko pa dahilan upang may magsalita ngunit hindi ko nakikita.
"'Di mo kasalanan kung pinanganak kang mahirap pero kasalanan mo na kung mamatay kang mahirap." Nag-eecho na tugon nito.
Ngunit bigla siyang nagpakita at tumambad sa akin ang nilalang na kulay pula at napahigpit na lamang ang kapit niya sa sungay nang biglang...
"Oh? Bakit ako narito, e, mayaman naman ako sa utang."
...
Young Pilipinas Flash Fiction
💛💛💛