top of page
Writer's pictureColin Cris Celestial

Karimlan


YoungPilipinas.com Filipino Poetry

Paos na ang boses sa sapilitang pakikipaglaban,

Tainga ng kasalungát dinaig ang tunay na may kapansanan,

Paghihirap ng katotohanan'y kasinkí ng kwarta ng karimlán,

Hidwâng busalan ang bibig ngunit paano ito madidinggin ng mga nagbibingibingihan.


Paghinga ng kapos-palad ay hihiranging maduming hangin,

Lumalawig ang kawalang hustisya na siyang pinagluluwalhatiin,

Laksá-laksáng suliranin ang siyang pananaigin,

Sa bingi't pipi, sino ang nararapat sisihin?


Pagdanak ng dugo'y buhay siyang malalaos,

Hikbi't sigaw ng hustisya'y mauuwi sa maluwag na gapos,

Dungis ng kalupita'y sangkot ang mga malulupit na nagdaraos,

Dusa'y dupók para sa mga dustâng itim na kandila na parang 'di nauupos.

0 comments

Related Posts

See All

Kommentare


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page