top of page
  • Writer's pictureColin Cris Celestial

Kapwa Galing Pinas


Kapwa Galing Pinas - Colin Cris Celestial (Young Pilipinas Flash Fiction)
Kapwa Galing Pinas - Colin Cris Celestial (Young Pilipinas Flash Fiction)

Lumipas ang ilang oras, habang tinatanaw ko ang mga tao mula dito sa itaas, napagtanto ko na hindi talaga madaling maging Pilipino.


Maraming beses na akong piniit sa kamay at palad na mapang-abuso na tila ayaw akong paratingin sa nararapat kong tahakin at maabot. Narating ko lang ang itaas, gusto na akong hatakin pababa. Hayst, karamihan sa Pilipino, utak talangka'y pinapairal.


Kalauna'y napansin kong tumagal na ang ang aking tingin sa gawing ibaba kung saan makikita ko ang nagkukumpulang tao na nakatingin sa akin, ang iba'y paduro-duro pa sa'king pwesto. At paniguradong sinasambit nanaman nila ang aking sagisag.


Philippine Eagle.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page