Kapalaran ang siyang huhusga
Sa kinahaharap na tag-init ng bansa, hindi maiiwasan ang dumaing at maghirap ng taong bayan. Kani-kaniyang paraan kung paano masusulusyonan ang init at uhaw. Subalit sa ganitong pagkakataon, mayroong mga taong sadyang madadamot at tanging sarili lamang ang iniisip.
Sa katirikan ng araw ay matiyagang naglalakad ang isang ale bitbit ang kaniyang mga kalakal. Dahil na rin sa pagod, panandalian muna siyang tumigil sa tapat ng isang bahay.
“Tao po!” Kaagad bumukas ang pintuan ng bahay na kaniyang kinatok. Sinalubong naman siya ng isang babaeng nakataas ang kilay at nakahawak pa sa bewang.
“Ano ‘yon?” Mataray na bungad ng babae.
“Hija, maari ba akong makiinom? Uhaw na uhaw na kasi ako kanina pa. Wala akong madaanan na bahay na mayroong tao. Nagbabakasakali lang sana,” pakiusap ng matanda.
“Nako! Wala ho. Doon ho kayo sa barangay manghingi,” usal ng babae habang sarap na sarap sa iniinom niyang ‘softdrinks’.
Bakas man ang pagkadismaya ng matanda, wala na siyang ibang masabi at umalis na lamang na nakayuko bitbit ang kaniyang mga kalakal.
Makalpias ang ilang araw. Habang namamahinga ang matanda sa isang tindahan matapos siyang makapangalakal, nahagip ng kaniyang pansin ang isang kapapasok lang na balita. Natandaan niya ang lugar na iyon kung saan siya huling nangalakal, kung saan pinahindian siya ng isang mataray na babae.
“Isang bahay ang nadala ng baha matapos ang halos magdamag na pag-ulan. Kumpirmadong isang babae ang nasawi.”
Comments