Kalikasan, Pangalagaan
Bumubundok na ang basura sa isang kapatagan‚
plastik na ang lumilipad sa asul na kalangitan‚
kalat na ang lumalangoy sa ilog at hindi na isda‚
tayo ang papatayin nila kahit tayo rin ang lumikha.
Kung may mata lamang ang daigdig‚ tiyak kanina pa ’to lumuha‚
tao lamang ang nakitira ngunit siya pang sumisira.
Sa ganda ng kalikasan‚ kailangan ng pang-unawa‚
hindi dapat abusuhin bagkus busugin sa pag-aalaga.
Matutong maging responsable at disiplinadong mamamayan‚
isaisip‚ isapuso at maging kaugalian‚
hindi basurahan ang kalye kaya ’wag mong tatapunan‚
ang kalat ay itapon sa tamang lalagyan.
Mahalin mo ang kalikasan gaya ng pagmamahal sa sarili‚
alayan mo rin ng pag-aalaga at ’wag maging makasarili‚
’wag hayaang ang basura ay lalo pang dumami
dahil siguradong tayo rin ang magsisisi sa huli.
תגובות