Kahit Saglit Lang
Naghihingalo na si inang kalikasan
humihingi ng awa't saklolo sa 'sang katauhan.
Malalim ang sugat na dulot ng mga kamay na matalim,
hindi maapat ang pagluhang tila bukal na walang hanggang lalim.
Kahit saglit lang,
kahit kaunting panahon.
Isang oras na katahimikan ang hiling,
patayin ang mga ilaw kasabay ng panalangin sa dilim.
Pakikiisa sa nagdadalamhating anak,
simpatiya upang maiwasan ang lalo pang pagkawasak.
Sa maikling panahon na ating ibibigay,
pangmatagalan ang kapalit sa buhay niyang iaalay.
Mula sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap,
maiparanas sa susunod na henerasyon ang inang may kalingap.
Hindi natin hawak at tukoy ang manyayari sa bukas,
subalit mayroon tayong magagawa para baguhin ang wakas.
Wakas na hindi pagkawasak ang hantungan,
wakas sa bagong simula na yayakap sa inang yaman.
Kahit saglit lang,
kahit kaunting panahon.
Isang oras na katahimikan sa ating mga tahanan,
para sa daigdig, sa paghilom at sa ating kinabukasan.
Commentaires