top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Kahariang Puso



Kahariang Puso by Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)
Kahariang Puso by Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)

Tulad ng 'sang lagalag, tangan-tanga'y basura,

Musika ng kalamnan, pagkalam ng sikmura.

Daigdig n'yang tungtunga'y bunggalong walang kulay,

Isang mahabang ilog, subalit walang buhay.


Kaloobang dalisay, sa rungis nagkukubli,

May pusong mapagbigay, dukha mang nakatali.

Wala man s'yang tirahang kanyang maituturing,

Tahanan niya'y puso— Diyos sa kanyang piling.


Kung sakali mang mundo ay maglaho't mabura,

Ako ay mananahan, sa pusong 'di nagsara.

Sa piling ni Bathala, na sa'kiy gumagabay,

Hininga ko na hiram, sa Kanya'y ibibigay.


0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page