Kabataan ang Pag-asa ng Bayan Ngayon
Kabataan ang pag-asa ng bayan
Kung nakikinig ka ng mabuti sa klase, alam mo kung kanino galing ang sikat na linyang ito.
Mahigit isang daang taon na nang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Isang daan taon na lumipas ngunit angkop at makahulugan pa din para sa mga kabataan.
Pag-asa ng Pamilya
Maraming mga kabataan ngayon ang sinusubok ng pagkakataon sa iba't ibang bagay ngunit tumutugon mga ito sa bawat pagsubok.
Maraming kahanga-hangang kabataan ang kasangga ang mga magulang sa pagtaguyod ng kanilang pamilya. May mga iba na kahati o buo nilang binabayaran ang mga bills ng bahay. May ibang nagpapa-aral ng kanilang kapatid. May mga working students.
Pag-asa ng Bayan
Maraming suliranin ang dumaan sa iba't ibang henerasyon at sa ibat' ibang bansa. Hindi makakaila na ang kabataan ay aktibo sa maraming paraan.
Nakikita ang mga kabataan sa pagbibigay ng tulong tuwing may mga sakunang nangyayari tulad ng bagyo, lindol at pagtama ng mga sakit. Bagaman hindi malaki kung magbigay ng financial assistance, kitang kita naman na binibigay nila ang kanilang makakaya.
Pag-asa ng Kapwa
Maraming mga kabataan ang nagsusumikap makapagtapos upang makatulong sa kapwa nila. May mga doktor at nurse na piniling maglingkod sa kanilang probinsya. May mga teachers na pursigidong turuan ang mga bata para maituro ang tamang daan. May mga sundalo at pulis na handang ialay ang buhay para protektahan tayo.
Hindi na kailangan pang antayin ang kinabukasan para maranasan sinasabing pag-asa. Ang ating mga bayani ay nasa kanilang mga kabataan nang maglingkod sila sa ating bayan. Tuluran natin ang mga huwarang bayani na naglingkod sa abot ng kanilang kakayanan.
Comments