Kababaihan, Kayamanan
Anak, na katuwang sa gawaing bahay,
Iniingatan na prinsesa ni tatay,
Lambing at pagmamahal lagi n'yang alay,
Puno ng pangarap—ambisyon sa buhay.
Ate, na mayroong magandang hangarin,
Mapagtapos kapatid kanyang tungkulin,
Naisasantabi sariling damdamin,
Kalusugan ng magulang ang naisin.
Mabuting asawa—ilaw ng tahanan,
Katuwang ni mister sa kaginhawaan,
Kakampi't kaagapay sa kalungkutan,
Alaga't pagmamahal hanggang kamatayan.
Inang maalalahani't maalaga,
'Di makasarili—kita sa gawa,
Tsaka na ang sarili, pamilya muna,
Madiskarte sa buhay kahit mangawa.
Iba't ibang uri ng kababaihan,
Mayroong tungkulin sa ating lipunan,
Mahalin, respetuhin tsaka igalang,
Alagaan—ituring na kayamanan.
...
A Young Pilipinas Poetry
Comments