Kababaihan, Kababaihan, Kababaihan
Noon pa ma'y naghahari na ang diskriminasyon, Laban sa mga kababaihang binababaan ng tingin, Ng lipunang nagnanais kuno ng pagkakapantay, Subalit kabaliktaran ang landas ng kanilang pananalita't tingin.
Kababaihan sa lipunan sa nakalipas na panahon, Ay nagtatamo lamang ng kakarampot na karapatan, Kahit kalayaan ay naipagkakait pa ng sinuman, Ideolohiya ng mundo'y sila ang pambahay at pangkumbento lamang.
Matunog na sampal para sa buong mundo, Ang kontribusyon ng mga kababaihan ng bawat lipunan, Posible ngang makipagkompitensya ang kanilang talino't kakayahan, Sa sinumang nilalang na ninanais na sila'y hamunin.
Hindi lang pag-aalaga ng anak at pagsisilbi sa simbahan, Kaya rin nilang maging propesyonal tulad ng mga kalalakihan, Nakakaya rin nilang hamakin ang mabibigat na gawain, At kaya rin nilang maging pinuno na wari'y 'di aakalain.
Ang mga kababaihan ay hindi mahihina, Sila ay may malaking ambag na 'di mapupuna, Oras na para itaas ang tingin sa kanila, Sapagkat lahat ay kanilang kinakaya.
...
A Young Pilipinas poem
Comments