Jose Mari Chan: Ang Bida ng Kapaskuhan

Humigit-kumulang dalawang daa't apatnaput lima,
ang araw na palilipasin at hahayaang malagas,
at pagkatapos ay muling dadamhin,
ang kaytagal na inaasam-asam na magbalik.
Ang makikislap na bituin at yakap ng malamig na hangin,
ang makukulay na palamuti at dekoloreteng mga puno,
at higit sa lahat ang pinaka klasikong tunog ng kapaskuhan,
ang pambansang bida ng ber-months.
Ang kaniyang rehistradong boses,
na hatid ay pagkasabik at pag-ibig,
ang kaniyang mga awitin,
na mas lalong pupukaw sa diwa ng gintong pagsilang.
Maluluma ang lahat ng mauuso,
subalit mananatili at muling paiingayin ng kilalang musiko ang entablado,
ang kalsada, ang radyo at telebisyon,
ang paaralan, ang tahanan at maging ang simbahan.
Mananahan sa puso ng tao ang kaniyang ngalan,
ang kaniyang wangis, ang pasimpleng ngiti,
maging ang pahapyaw niyang pagsilip sa panaginip,
ang kaniyang tinig sa tuwing sasapit ang panahon ng taglamig.
Comments